Mula sa blog ng Lucban History Society |
Ako ay pumunta sa isang search engine upang makita kung maari ko na bang mapanood ang pelikulang Bonifacio. Isa ako sa magusig na tagahanga ni Bonifacio at marami na rin akong nabasa at napanood na may kaugnayan sa kanya. Sa pagbabasa ko sa mga komento nakita ko ang isang ito..
AySiJunneth Junneth 1 week ago
At ito ang aking isinagot sa kanyang komento na nagpausbong sa aking kamalayan na 'oh wait, hindi lang ito ang nais ipakita ng pelikula kundi may mas malalim pa na dahilan kung bakit napasama ito sa pelikula'. Maaraing may malalim na pinaghuhugutan ang pelikulang ito, o maaaring biased pero maaring basahin mo muna ang itinugon ko.
Lach Pacio (PM Prints) 1 second ago
At hanggang ngayon ang ganyang sistema ay nasa ugali, tradisyon pa rin nating mga Pilipino. Ang persepsyon kasi natin ay maka-Kastila hanggang ngayon. Hindi ba't ang batayan natin kung may pinag-aralan ang isang tao ay kung nakapasok siya sa formal school? And it still exist in our society.
Meron naman at maraming Pinoy pa rin ang hindi nakapagtapos sa isang unibersidad pero sobrang galing, di man nakatapos sa formal school pero pinaghusay at pinaglinang ang kanyang sarili sa kanyang sariling paraan at isang magandang halimbawa si Bonifacio..
Itong pelikula na ito nagpapakita na meron pa ring Bonifacio sa ating lipunan subalit ang mga tao, kapwa natin Pilipiono ay may ugaling maka-Kastila - mapagpuna sa panlabas na kaanyuan, mapanghusga base sa kung nakatapos ba sa isang unibersidad.
Nawa hindi tayo maging ugaling Kastila sa mga panahong makakakilala o nakakilala tayo ng isang Bonifacio sa bagong lipunan.
At maski ako hindi ko alm kung saan banda ko pa naihugot iyang ikinomento ko. Siguro ay dala na rin ng maraming librong nabasa, nasaliksik; mga pelikula at dokumentaryo na napanood kaya't nakapag-generalize ako na - ang kasaysayan ay hindi pa rin isang kasaysayan sa yugtong yan ni Bonifacio sapagkat nagaganap pa rin ito sa ating lipunan (unconsciously) at nawa itong aking komento ay magpamulat sa mga tao na "Oo nga ano, ganito pa rin tayo mag-isip". Na tayo ay nasa tradisyonal pa rin na mentalidad pagdating sa persepyon natin ukol sa edukasyon.
Ikaw, isa ka bang Bonifacio sa makabagong lipunan?
Kung may komento kayo o suhestyon o violent reaction, maari kayong magkomento sa artikulo na ito. Salamat!