Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2012

Hero ang Nanay ko!

Naalala ko noong ako'y nag-aaral kapag may pinapagawang essay kung sino ang pinakamagiting na bayani, ang lagi kong naisasagot ay ang Nanay ko. My Mamita, noong hindi pa siya stressed! Ha ha ha Lagi kong sinasabi na si Mama ang "Da Best". Natatandaan ko pa na ang lagi ko sinasabi na hinahangaan ko siya sa katatagan niya na magpalaki sa amin na siya lang mag-isa at napalaki niya kaming tama.  Ngayong ganap na akong Nanay, hindi lang alam ko kundi ramdam ko ang mga naranasan niyang hirap.  Kaya sa pinakamamahal kong Mama, ipagsisigawan kong 'Hero ang Nanay ko'.